Friday, February 10, 2012

Pambansang Kamalayan

Pulo pulo ang bansang Pilipinas
Ibat ibang wika ang pinamamalas
Pambansang kamalayan maari bang kamtan bukas?

Kaya ang Pangulong Quezon ay naglabas ng panukala
Na wikang Filipino ang siya nating pambansang wika
Nang bawat  tao’y magkaintindihan, magkaunawaan
Sa tuwid na landas na ating ninanasa

Banyagang wika’t di masamang tangkilikin
Huwag lang kalilimutan pambansang wika natin
Bagamat Filipino’y ating linangin
Pagkamakabayan ating panatilihin.


Masakit mang isipin at mahirap tanggapin
Ngunit wikang Filipino’y nasasapawan narin
Nang wikang Ingles na ginagamit natin
Sa paaralan,opisina o saan ka man makarating

Ang pagkakaintindihan ay napakahalaga
Nang ang isang bansa’y magkaisa
Sa maliwanag na bukas na ating nakikinita
Para sa ating bansang sinisinta

Tunay ngang ang wika’y napakahalaga
Sa minimithing kaunlaran ng bawat isa
Kaya wikang Filipino’y ating tangkilikin
Upang masaganang bukas ating kamtin.
                                                            -MJ Empalmado

philippin...

1 comment:

mj empalmado said...

im proud to be Fipino


rushing of projects?

its more fun in the Philippines:)