Pumapatak ito sa
labis na dusa
Dumadaloy din sa
sobrang ligaya
-Luha
Luntian ng maliit
Lasa’y may kaasiman
Ginintuan ng tumanda
Ang tamis di
malilimutan
-Mangga
Sa
buhatan ay may silbi
Sa
igiban ay walang sinabi.
-Basket
Dikit-dikit kung
lumaban
Sa lusubing kaharian
Nalinis ang daanan
-walis tingting
Baka ko
sa Maynila
Hanggang
dito, dinig ang unga.
-Kidlat
Malaking supot ni Mang Jacob
Kung sisidlan ay pataob.
-Kulambo
Tubig ang
pinanggalingan, nang bumalik sa pinagmulan
Natunaw
na'y nawala pa ang kinang.
-Asin
Isiniksik
bago kinalabit
Malayo
ang sinapit.
-Baril
Hiyas
na puso, kulay ginto
Mabango
kung amuyin
Masarap
kung kainin.
-Mais
Sa liwanag ay hindi mo makita
Sa dilim ay maliwanag sila
-Bituin
Sing tamis ng asukal
Sing tigas ng bakal
Saktan mo ako’y di ka makakausal.
Walang pagod magtipon
Walang hinayang magtapon.
Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing
Saka nang maluto'y iba ang kumain.
Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
Kapalara`y di man hanapin
Dudulog at lalapit kung talagang akin.
No comments:
Post a Comment